NAITALA ang bagong marka na 1,505 na kabataang lumahok sa Mindanao stage ng Jr. NBA Philippines 2018 na itinataguyod ng Alaska, nitong weekend sa Fr. Saturnino Urios University sa Butuan City.

nba kids copy

Nakilahok sa programa ang mga kabataang lalaki at babae na nagmulasa Butuan, Cagayan de Oro, Bukidnon, Davao, Sarangani at iba lang lungsod sa Mindanao, kabilang ang Higa-onon, Manobo at Banwaon.

Ito ang unang pagkakataon na ginawa ang Jr. NBA Regional Selection Camp sa Butuan City, Agusan Del Norte.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Napili ng mga coach sa pangunguna nina Jr. NBA coach Rob Newson at Alaska Aces Jeffrey Cariaso ang 11 players na nagpamalas na kahusayan at character na nakabatay sa Jr. NBA core S.T.A.R. values na Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect.

Nabigyan ng pagkakataon na makabiyahe sa Manila para sa National Training Camp sa Mayo 18-20 sina Richard Carvero III, 13, at Paolo Matthew Kho, 13, ng Corpus Christi School; Christian Joi Mesias, 14, ng Jose Maria College; Zhan Paolo Moreno, 13,ng Xavier University; Michael John Sarmiento, 13, ng Father Saturnino Urios University; Klein Tyrone Tagotongan, 13, ng St. Mary’s School; at Vince Uchi, 14, ng Alabel National Science Highschool for the boys division at Madelyn Flores, 14, ng Bukidnon National Highschool; Aishe Solis, 13, ng Corpus Christi School; Mikylla Taborada, 13, ng Kauswagan National Highschool; at Pauline Angelique Valle, 13, ng Misamis Oriental General Comprehensive Highschool sa girls division.

“There’s a lot of talent here. We were really impressed with at least three of the kids who were selected that we really feel have the natural ability to make it until the end. The kids love the game. They worked really hard and I’m excited to see them in Manila,” pahayag ni Coach Newson.

Ang mga kabataan na nagnanais na makasama sa National Camp ay may pagkakataon pa sa gaganaping Regional Selection Camps sa Baguio sa Marso 17-18 at Manila sa April 21-22. Sa mga interesadong lumahok, maating magpalista sa online www.jrnba.asia.