Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Nanindigan kahapon si Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III na bibigyan nito ng hustisya ang mga pamilya ng mga batang namatay sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni Duque na hahabulin at papanagutin ng kagawaran ang Sanofi Pasteur, at minamadali na umano nila ang paghahain ng civil cases laban sa kumpanya.

Tinabla, aniya, ng Sanofi ang DoH nang tumangging i-refund ng pamahalaan ang nagamit na bakuna na aabot sa P1.6 bilyon, at maglaan ng indemnification fund para sa mga naturukan nito.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“I have forwarded the letter [Sanofi’s letter dated February 15] to the Legal Department and ordered that a civil suit be instituted against Sanofi Pasteur,” sabi ni Duque. “The DoH assures the general public that it will exhaust all legal remedies against Sanofi Pasteur and will bring its misrepresentations to justice.”

Tinukoy ng kalihim ang isang liham na natanggap ng DoH nitong Pebrero 19, na nagbabasura sa hiling ng pamahalaan na refund.

“We stand firmly behind our product. Refunding the used doses of Dengvaxia would imply that the vaccine is ineffective, which is not the case. And at this time, there is also no known circumstance requiring indemnification,” paninindigan ng Sanofi.