Ni Marivic Awitan

NAKALUSOT ang Arellano University sa matinding hamon na ipinakita ng San Beda College sa second set upang maitarak ang 25-19, 29-27, 25-15 panalo at makumpleto ang sweep ng kanilang best of three series at makamit ang back-to-back championship sa women’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament nitong Lunes sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Naiwanan sa iskor na 7-13, naunahan pa ng Lady Red Spikers ang Lady Chiefs sa matchpoint, 24-20, ngunit nakuhang makahabol ng huli upang agawin ang panalo para sa 2-0 sets na bentahe sa laro.

Sa third set, hindi na nila pinaporma ang Lady Red Spikers na agad nilang nilayuan sa iskor na 8-2 upang makopo ang ikatlong pangkalahatang titulo nila sa liga magmula ng sumali sila noong 2009.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Nagposte ng tig-15 puntos sina Finals MVP Regine Arocha at ang graduating hitter na si Jovielyn Prado upang pangunahan ang nasabing panalo. .

“Actually kahapon pa lang (Linggo) na claim na namin ang panalong ito kasi sinabi ko na last practice na natin ito at last game na rin namin this season, “ pahayag ni Arocha.

Ayon kay Arellano coach Obet Javier, iniaalay nila ang kampeonato para sa kanilang mga fans at sa buong Arellano community..

“This is for them for supporting us from the start,” ani Javier.

Sa kabilang dako, bagamat itinangis ang kanilang pagkabigo, may dahilan din upang magsaya ang San Beda dahil ito ang unang pagkakataon na nakasalta ang koponan ng finals.