20_grace copy

Ni Marivic Awitan

NAGDEKLARA na walang pasok kahapon ang pamunuan ng Grace Christian College matapos ang natamong tagumpay sa katatapos na FCAAF Aspirants Boys 14-and-under Basketball Tournament.

Tinapos ng Grace Christian College ang dominasyon ng Chang Kai Shek sa liga matapos ipahiya ang huli,74-67 sa finals na idinaos sa kanilang homecourt.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bagama’t dikdikan ang naging laban sa kabuuan, all the way naman ang pangingibabaw ng Grace Christian College at paulit-ulit na binigo ang mga pagtatangka ng Chang Kai Shek na maagaw ang pangingibabaw.

Nanguna para sa naturang panalo sina Ren Cobie Tolentino at Kobe Bryson Chua matapos magtala ng 27 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“It was a total team effort. The boys really wanted to win and finally give the school this championship,” pahayag ni GCC head coach Steven Julian Go Tan, kasama ang deputy na si dating PBA player Vic Pablo.

Naputol ng nasabing panalo ang siyam na taong paghahari ng Chang Kai Shek sa FCAAF’s 14-and-under tournament.

Itinakda ng Grace Christian College officials sa pamumuno nina President Dr James Tan, VP Directress for Student Affairs Judith Tan, Assistant Overall Chinese Supervisor Yeung Chun Yam, Sports Director Bonnie Tan at Sports Coordinator Sherwin Ngo, na walang pasok ang kanilang paaralan para ipagdiwang ang tagumpay.