Ni NORA CALDERON
AMINADO si Paolo Contis na nagbago na siya ng pananaw sa buhay dahil kay LJ Reyes.Kung dati raw ay naaalala lang niyang magsimba kapag may problema siya, si LJ ang naging instrument para tuluyan siyang bumalik sa Diyos.
“Wala po namang perfect life, pero ngayon nagkaroon ako ng perfect goal, concrete goal dahil sa kanya,” sabi ni Paolo. “Dati kasi lagi akong nega person, lagi akong kontra sa mga sinasabi ng kausap ko, pero nang ma-meet ko si LJ, nakita ko iba ang outlook niya sa buhay, wala siyang wall, positive lagi siya, at siguro we complete each other kaya mas maganda ang aming relasyon. Kay LJ ko natutunan na dapat kung may problema, harapin ito. Marami akong natutunan sa kanya. Masaya kami, kasama ang anak niyang si Aki, na Tito Pao ang tawag sa akin.”
Naitanong din namin kay Paolo ang first family niya, pero ayaw na muna niya itong pag-usapan hanggang hindi malinaw ang lahat sa kanila.
Nakausap namin siya sa set ng “Rehas” episode ng Stories for The Soul na gaganap siya bilang jail warden. Hindi naman daw dark ang istorya na batay sa buhay ni St. Paul. Ipakikita kung paano nagbago ang ugali ni St. Paul simula nang mamatay sa harap niya ang kanyang asawa at anak, nawalan siya ng tiwala sa Diyos at ang mga naganap pagkatapos nito.
Makakasama ni Paolo sa naturang episode si Rodjun Cruz na namamahala sa religious organization sa jail, na hindi man kontra ang karakter niya ay never din naman siyang sumali dahil may galit nga siya sa Diyos.
Aabangan kung paano siyang bumalik sa Diyos.
Dahil sa request ng televiewers, ang dating almost midnight time slot ng Stories for the Soul, ay inilipat na ng GMA-7 tuwing last Sunday of the month, after ng Dear Uge simula sa Sunday, February 25. Ang episode presenter ay si Senator Manny Pacquiao.