PINATIBAY ni Tanduay Distillers, Inc. president Lucio “Bong” Tan Jr. ang suporta sa grassroots sports nang payagang maging pakner ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

bong tan copy

Ayon kay Tan, isang tunay na basketball aficionado mula pagkabata, nagagalak siya sa pakikipagtambalan kay MPBL founder Sen. Manuel Pacquiao sa hangaring mas mapalakas Ang liga sa mg lalawigan.

“When we formed Tanduay Athletics, we had grassroots youth development as one of its major thrusts. We believe we can give equal opportunities to aspiring basketball talents from the cities and the regions through MPBL,” pahayag ni Tan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tampok sa MPBL ang mga koponan mula sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad sa layuning mailapit ang sports sa masa.

Bukod sa Batangas Tanduay Athletics, kasama rin sa MPBL ang Bataan Defenders, Bulacan Kuyas, Valenzuela Classic, Marikina Athletics, Caloocan Supremos, Navotas Redcore at Muntinlupa.

Nauna nang nagwagi ang Batangas-Tanduay Athletics sa Valenzuela Classic, gayundin ang Bataan Defenders .

Mapapanood ang MPBL tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Mapapanood sa ABS-CBN Sports and Action ganap na 7 p.m. to 11 p.m .