Ni Nitz Miralles

MULING gaganap na kontrabida si Jackie Rice sa Afternoon Prime seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka bilang si Ava Imperial, ang socialite ex-girlfriend ni Marco Angeles (Mike Tan) na hindi makapag-move on sa naging relasyon nila at pilit aagawin si Marco kay Thea Balagtas (Yasmien Kurdi).

Sabi ni Jackie nang humarap sa presscon last Monday, ang karakter niya ang pinakagustong sampalin ng ibang karakter.

Hindi si Gina Alajar ang sasampal sa kanya, may cat fight siguro sila ni Yasmien at makakatikim din siya ng sampal sa mga kakampi ni Thea sa istorya ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

 

Dahil kontrabida ang role, marami ang magagalit sa karakter ni Jackie, madadala ang viewers sa mga eksena at iba-bash siya. Ang maganda, walang paki sa bashers si Jackie.

 

“Hindi ako pumapatol sa bashers, hinahayaan ko silang magalit. Pero, nasasaktan ako dahil tao lang ako, dedma na lang. Kung magalit man sila sa akin, ibig sabihin nabigyan ko ng justice ang role at karakter ko,” sabi ni Jackie.

 

Sa February 26, pagkatapos ng The Stepdaughters ang pilot ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na isang advocaserye ng GMA-7 na tatalakay sa HIV at AIDS, mula sa direction ni Neal del Rosario. Katulong ng network sa serye na ito ang Philippine National Aids Council (PNAC).

 

Nalaman namin na ang script ng series ay dumadaan sa PNAC for approval. Itsi-check at titingnan nila kung tama at kung walang magre-react o magrereklamo na pasyente o pamilya nila, saka kukunan.