TAGUMPAY na napanatili ng Far Eastern University sa ikawalong sunod na taon ang titulo sa men’s division habang inangkin ng University of Santo Tomas ang ika-4 na sunod sa women’s class sa pagtatapos ng UAAP Season 80 athletics championships sa Philsports track and football field kahapon sa Pasig.

Namuno para sa Tamaraws si Clinton Bautista na tinapos ang kanyang collegiate career sa pamamagitan ng pagtatala ng bagong 110-meter hurdles record na 13.31 seconds sa huling araw ng kompetisyon.

Nagwagi ng anim na golds at isang silver medal, nakamit ni Bautista ang season MVP honor.

Nauna nang tinanghal na meet’s fastest man si Bautista matapos walisin ang 100 at 200-meter dash sa ika-apat na sunod na season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang tagumpay ang ika-26 na pangkalahatang titulo ng FEU.

Namuno naman sa pagkopo ng Tigresses ng kanilang ikawalong overall title si Louielyn Pamatian, na nagwagi ng kanyang back -to -back MVP plum.

Nagwagi ang middle distance specialist na si Pamatian sa 400-meter at 800-meter run.

Tinanghal naman si De La Salle University pole vault gold medal winner Francis Obiena bilang men’s top rookie, habang si Sunshine Acaso naman ng University of the Philippines ang napili sa women’s division. - Marivic Awitan