Ni Francis T. Wakefield

Inihayag ng militar na 217 sa 683 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na iprinisinta nitong Disyembre 21, 2017 sa Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command (AFP-EastMinCom), ang nasa Manila para sa dinner date sa Malacañang, kasama si Pangulong Duterte, ngayong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command (AFP-EastMinCom), na ang unang batch ng mga rebelde na sumuko na sa batas ay naipadala na sa Tactical Operations Group XI sa Sasa, Panacan, Davao City bandang 9:00 umaga kahapon.

Sa isang pahayag, binanggit ni Balegtey na layunin ng naturang hapunan, na gaganapin bandang 5:00 ng gabi, na hikayatin ang mga dating rebelde na maging aktibong bahagi ng nation-building at peace-building.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bago ang hapunan, ang mga sumukong rebelde ay hahandugan ng welcome ceremony sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo, ganap na 8:00 ng umaga ngayong araw, na pangungunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.

Paaanyayahan din ang mga dating reeled ng educational tour sa Intramuros at Malacañang sa Manila, at iba pang makasaysayang lugar upang buhayin ang kanilang pagiging makabayan.