Ni Marivic Awitan

Majoy Baron of DLSU (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Majoy Baron of DLSU (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
NAPILI si De La Salle University Lady Spikers team captain Majoy Baron bilang unang SMART Sports/UAAP Press Corps Player of the Week sa kabubukas pa lamang na UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Nagtala ang reigning Most Valuable Player ng 19 puntos na kinapapalooban ng 12-hits, 5 blocks at 2 aces sa kanilang naitalang 5-setter win kontra University of Santo Tomas para maging unang recipient ng lingguhang citation.

Tinalo ni Baron para sa parangal sina National University middle blocker Jaja Santiago, University of the Philippines skipper Diana Carlos, at Far Eastern University open hitter Toni Rose Basas.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kumilos si Baron para mapunan ang pagkawala sa starting opposite hitter na si Kianna Dy na may iniindang hyper-extended knee.

“Marami kaming ginawang adjustments before the game kasi nga si Kianna may iniinda pang injury. So, malaking bagay na very consistent ‘yung nilaro ni Majoy,” pahayag ni La Salle head coach Ramil De Jesus.

“Veteran na ‘yan si Majoy so alam niya na ang reponsibilidad niya sa court. As team captain, lumalabas talaga ‘yung leadership niya lalo na sa mga bata niyang teammates.”

Naka -focus ang tubong Tarlac na si Baron para sa kanilang misyon na magkamit ng ikatlong sunod na titulo ngayong taon dahil sa inaasahan nilang mahigpit na labanan ngayong taon.

“For me, marami pang kulang like sa pagje-jell ng team. Hindi pa ito ‘yung maibubuga pa namin. Kailangan pa naming mag-improve as a team,” anang 22-anyos na middle blocker.