Ni Alexandria Dennise San Juan

“Help us rehabilitate our jeepneys instead of phaseout.”

Ito ang panawagan ng transport group na Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa pamahalaan sa “build-up protest?” sa Welcome Rotonda sa Quezon City nitong Biyernes upang patuloy na kondenahin ang public utility vehicle (PUV) modernization program ng administrasyon at ng bagong reporma sa batas ng pagbubuwis na tinawag nilang pabigat/pasakit sa tao.

Nilinaw ni PISTON National President George San Mateo na ang kanilang grupo ay hindi laban sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon, subalit nanawagan sa gobyerno na bumuo ng patas sa lipunan at demokratikong programa na may presensiya ng responsibilidad ng bansa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Nagkaroon ng oil price increases, tinaasan ang taxes, pero walang anumang tax incentive ang industriyang ito. Paano siya uunlad on its own? Tumaas ang presyo ng mga piyesa, pero ang pamasahe ang liit. Ni-left out ng gobyerno ang industriyang ito na dapat ay responsibility niya. Sa halip na tulungan, ang gusto nila phaseout,” giit ni San Mateo.

Tinututulan din ng PISTON ang kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na tumutugis sa mga bulok at mauusok na jeep na pumapasada sa pangunahing kalsada sa Metro Manila.