Ni NORA CALDERON

BEST friends sina Paolo Contis at John Lloyd Cruz noong Tabing Ilog days nila. Ilang taon ding napanood sa Channel 2 ang show, kaya nang makausap namin si Paolo sa set ng Stories for the Soul (tatalakayin nila ang buhay ni St. Paul the Apostle sa episode na “Rehas”), itinanong namin kung nagkausap na ba sila lately.

PAOLO copy copy

“Hindi po, siguro mga three years ago pa iyon nang magkita kami sa Urian Awards, nanalo siyang best actor at si LJ (Reyes) ang nanalong best actress” sagot ni Paolo. “Since then, hindi na kami nagkaroon ng chance na magkausap muli.”

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Ano ang masasabi niya tungkol sa balitang preggy na si Ellen Adarna na girlfriend ni JLC at soon ay magiging tatay na rin ito?

“Kung totoo ang balita, I’m happy for John Lloyd, time na rin naman na magkaasawa at magkaanak siya. Mas matanda siya ng one year sa akin, he’s 34, ako naman ay 33 na. Saka sino tayo para i-question siya, choice niya ‘yon because of love, at nakikita ko naman sa pino-post nila ni Ellen sa social media na masaya sila. Malay natin, baka maging inspirasyon ni JLC kung magkaroon sila ng baby ni Ellen at balikan niya muli ang career niya. Ang message ko sa kanya, stay happy, basta wala kang tinatapakan, wala kang sinasaktan, be happy.”

Naikuwento rin Paolo na natuwa siya nang tawagan siya ng Star Magic para sa pictorial ng ilalabas na coffee table book na magtatampok sa lahat ng mga Star Magic talents. Seventeen years din siyang nagtrabaho sa ABS-CBN at 12 years na ngayon sa GMA.

“Thankful ako sa GMA na pinayagan nila akong mag-pictorial for the coffee table book. Hindi ko lang alam kung kailan nila ito ilalabas.”

Katatapos lang mapanood ni Paolo sa magkasunod na two season ng Alyas Robin Hood at tuluy-tuloy pa rin siya sa taping ng Bubble Gang. Every now and then ay naggi-guest siya sa iba’t ibang show ng GMA. Tulad nitong “Rehas” na gaganap siya bilang warden sa kulungan na may sama ng loob sa Diyos.

At magandang balita sa mga nagri-request na mapanood sa mas maagang oras ang inspirational at Bible stories sa Stories for the Soul dahil ang episode na “Rehas” ay mapapanood sa February 25, pagkatapos ng Dear Uge sa GMA 7.