Dalawang komite ng Kamara ang nagsisikap na ayusin at pag-aralan ang panukalang palakihin ang plaka ng mga motorsiklo, upang makatulong sa pagsugpo sa krimen.

Inaprubahan ng House committees on transportation at ng House on public order and safety, na pinamumunuan nina Reps. Cesar Sarmiento, ng Lone District, Catanduanes; at Romeo Acop, ng 2nd District, Antipolo, ang paglikha ng isang technical working group (TWG) “that will fine-tune proposals to use larger license plates to curb motorcycle crimes.”

Hinirang ng dalawang komite si Rep. Rozzano Rufino Biazon, ng Lone District, Muntinlupa, bilang pinuno ng TWG.

Sa mga pagdinig, tinalakay ng mga komite ang House Bill 5381, ni Rep. Victor Yap; HB 5714 ni Deputy Speaker Ferdinand Hernandez; HB 5839 ni Rep. Reynaldo Umali; at HB 6226 ni Rep. Luis Raymund Villafuerte. - Bert de Guzman

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands