Ni Annie Abad

SORSOGON CITY – Kabuuang 100 batang fighters mula sa 21 koponan ang sasabak sa Luzon Preliminaries ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup na nagsimula kahapon sa Sorsogon National High School covered courts dito.

Kabilang sa paboritong mamamayagpag dito ang Mandaluyong City, Baguio, Olongapo City, Binan City-Laguna, La Union, Legaspi City, Camarines Norte, Camarines Sur, Tayabas Quezon,Tuguegarao City, Iriga City, Cadlan-Pili, Libon-Albay, Cambulaga, Castilla, Gubat, Bulan, Prieto Diaz, Barcelona, Sorsogon City at host Sorsogon Province.

Pormal na sinimulan ang torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ni eight-division world champion Senador Manny Pacquiao kahapon sa simpleng seremonya na pinangasiwaan nina Gov. Robert “Bobet” Lee Rodrigueza, Mayor Salle Lee at PSC Executive Director Sannah Frivaldo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagbigay din ng mensahe si Vice Mayor Jonathan Balintong.

“We could have gathered more than a hundred boxers if only the other teams were allowed by the DepEd to join this tournament,” pahayag ni Supervising Tournament Director Rogelio Fortaleza.

Hindi pinayagan ng Department of Education regional office ang mga estudyante ng lalawigan na sumabak sa torneo bunsod umano nang nakatakdang qualifer para sa Palarong Pambansa.

Ayon kay Sorsogon City coach Manuel “Jun” Sentes, hindi binigyan ng permiso ni DepEd City OIC Superintendent Nimfa Juema ang mga bata dahil sasabak ang mga ito sa Palarong Bicol sa Feb. 4-10 sa Naga City.

“But we still have one week to rest after this one,” sambit ni Sentes.

Dalawang fighter lamang ang ilalaban ng Sorsogon City team. Sila ay sina Sean Paul Sentes (54 kg.) at Elmer Marbella (47 kg.).

Humabol

Humabol ang magkapatid na Judah at Napthali Barbaran sa screening at bigayan ng ID at mattresses sa Sorsogon Provincial Gym.

Makatatanggao din ang lahat ng kalahok at coaches ng meal allowances at libreng transportation mula sa PSC. At bukod sa nakatayang premyo, ang mga magwawagi ay may pagkakataong mapabilang sa National training pool.

“I really wanted all my boxers to join this event since it is a good exposure and tune-up for them for the Palarong Bicol,” sambit ni Sentes.

Ang mga fighters mula sa Sorsogon Province ay nakakuha naman ng permiso mula kay DepEd Division Superintendent Loida Nidea.

“I only explained to DepEd how really very important for us to join this kind of event,” pahayag ni Sorsogon Province Coach Salvador Castillo.

“We really lack exposure and competition. This can really help them develop their skills and stamina.”

Isasabak ng Team Sorsogon Province ni Gov. Robert “Bobet” Lee Rodrigueza ang anim na boxers – Renzo Ruiz Abayon, C-Jay Ejera, Clander Erestain, RG Erestain, Albert Hagad, Kenneth Hamto at Rammel Olicia.

Samantala, ang preliminaries para sa Visayas Region ay gagawin sa Bago City, Negros Occidental sa February 3-4, habang ang Quarter Finals sa Luzon ay sa Feb. 17-18 sa Binan, Laguna.

“It’s 80 percent sure na sa Binan. But we will formally announce it sooner,” sambit ni Fortaleza.

Ang isayas Quarter Finals ay itinakda sa Feb. 24-25.

Ang Luzon Finals ay sa Baguio sa April 7, habang ang National Preliminaries ay sa April 21-23 sa Mandaluyong City.

Ang National Quarter Finals ay sa April 28 sa Tagbilaran City, Bohol at ang National Semi-Finals ay sa May 5 sa Tagum City.

Ang National Finals ay gaganapin sa Mayo 12 sa Sarangani Province.