Ni Nitz Miralles

MAY care pa rin naman pala si John Lloyd Cruz sa kanyang career at parang hindi naman totoo na kaya na niya itong talikuran kapalit ni Ellen Adarna. Puwede namang pagsabayin ang career at love life.

VENICE, ITALY - 2016/09/09: Actress Charo Santos-Concio (L) and actor John Lloyd Cruz (R) with director Lav Diaz (C) attends 'Ang Babaeng Humayo (The Woman who left)' Photocall during the 73rd Venice Film Festival. (Photo by Andrea Spinelli/Pacific Press/LightRocket via Getty Images)

Nasabi mamin ito dahil sa reaction ni John Lloyd sa nomination niya sa 2018 International Cinephile Society o ICS Awards. Nominadong Best Supporting Actor si John Lloyd para sa pelikulang Ang Babaeng Humayo na ang English title ay The Woman Who Left.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kasama ni John Lloyd sa The Woman Who Left si Charo Santos sa direction ni Lav Diaz. Nag-world premiere at kasali ang nasabing pelikula sa 2016 Venice Film Festival.

“Wasak. ICS Awards never in my wildest dreams. When I read Daniel Day-Lewis written in his category sabi ko, uy panalo na ‘ko.”

Nominee rin kasi si Daniel Day Lewis sa best actor for the movie Phantom Thread at si Robert Pattinson para naman sa pelikulang Good Time. Ang kilalang Hollywood actor na co-nominee ni John Lloyd ay si Willem Dafoe for the movie The Florida Project.

Nominated din ang The Woman Who Left sa category na Film Not In The English Language na equivalent sa Best Foreign Film sa Oscars.

Ia-announce ang winners sa different categories sa Februay 4, 2018 kaya hintayin natin.