volleyball copy

NAPANATILI ng San Beda College ang pamamayagpag sa NCAA Season 93 women’s volleyball tournament nang pabagsakin ang Letran, 17-25, 25-15, 25-16, 27-29, 15-12, nitong Lunes sa The Arena sa San Juan.

Hataw si skipper Cesca Racraquin sa naiskor na 17 puntos para pangunahan ang San Beda sa ikalimang sunod na panalo.

Nag-ambag sina Nieza Viray na may 14 puntos, Sattriani Espiritu na kumana ng 12 puntos, Trisha Paras at Jiezela Viray na may 11 at 10 puntos, para sa Lady Red Spikers.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Humugot si Glayssa Torres ng 18 puntos para sa Letran, habang tumipa si Marie Simborio ng 14 puntos.

Samantala, nakumpleto ng College of St. Benilde ang sweep sa Emilio Aguinaldo nang pagbidahan nina Rachelle Anne Austero at Ranya Musa ang paggapi sa Emilio Aguinaldo College, 25-17, 18-25, 21-25, 25-18, 15-7.

Nauna rito, nalusutan ng Benilde ang EAC, 19-25, 20-25, 25-7, 25-14, 15-11, sa men’ division para sa 4-1 karta.

Bumagsak ang Generals sa 2-3.

“We really need to lessen our mistakes if we want to have a chance in this tournament,” pahayag ni CSB coach Arnold Laniog.