Ni Gilbert Espeña

NAITALA ni National Master Ali Branzuela ang ikalawang sunod na titulo sa taong 2018 matapos muling magkampeon at kunin ang korona sa Maravril Enterprise Blitz Chess Tournament nitong weekend sa Chess Training Headquarters sa San Juan City.

Nakalikom si Branzuela, top player ng Philippine National Police (PNP) Chess Team, ng 16.0 puntos para masukbit ang panibagong titulo sa tatlong minuto at dalawang second na ncrement format para idagdag sa pagkakampeon sa unang torneo.

Sumegunda naman si National Master Julius Sinangote na may 15.5 puntos habang pumangatlo si Jerome Villanueva na may 15.0 puntos. Nasa ikaapat na puwesto si Andy Andes na may 14.5 puntos habang nasa ika-5 puwesto si National Master Romeo Alcodia na may 14.0 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina No.6 John Lee Antonio (13.5 pts.), No.7 Kevin Arquero (13.0 pts.), No.8 Ricardo Jimenez (12 pts.), No.9 Marc Simborio (12 pts.) at No.10 Jovert Valenzuela (12 pts.).