Ni Rommel P. Tabbad

Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang isang alkalde ng Nueva Ecija na inakusahan ng kabiguang mapahinto ang operasyon ng open dumpsite sa kanyang lugar simula pa noong 1960s.

Sa desisyon ng 1st Division ng anti-graft court, hindi nakapagsumite ng sapat na ebidensiya ang prosekusyon laban kay Cabanatuan City Mayor Julius Cesar "Jay" Vergara kaugnay ng umano'y paglabag nito sa Section 37 ng Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003).

Nag-ugat ang kaso nang sampahan ng kasong krimimal si Vergara noong 2012 matapos umano itong mabigo na mapahinto ang operasyon ng open dumpsite sa mga barangay ng Valle Cruz at San Isidro sa Cabanatuan, na ginawa nitong controlled dumpsite noong Pebrero 2004.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“Section 37 of RA 9003 mandates the local government units to convert open dumpsites into controlled ones within three years from the effectivity of the Act in 2001. Section 37 of RA 9003 further states that controlled dumps shall then be prohibited starting in February 2006 or five years after the effectivity of the act,” ayon sa hukuman.

Idinipensa rin ng korte ang pasya nito at sinabing nagsagawa ng mga public consultation ang mga opisyal ng lungsod kaugnay ng panukalang pagtatatag ng materials recovery facility (MRF), gayundin sa pagbili ng lupain sa Bgy. Macatbong na pagtatayuan ng pasilidad.