TINANGKA ni Hershey Llorente ng Perpetual Help na ma-saved ang bola mula sa atake ni Christine Ebuenga ng Jose Rizal University sa isang tagpo ng kanilang laro a NCAA Season 93 women’s volleyball sa FilOil Flying V Center sa San Juan.  RIO DELUVIO
TINANGKA ni Hershey Llorente ng Perpetual Help na ma-saved ang bola mula sa atake ni Christine Ebuenga ng Jose Rizal University sa isang tagpo ng kanilang laro a NCAA Season 93 women’s volleyball sa FilOil Flying V Center sa San Juan. RIO DELUVIO

NANATILING walang gurlis para mangibabaw sa men’s division ang University of Perpetual Help matapos nilang talunin para sa ikalimang sunod na tagumpay ang Jose Rizal University,25-17, 25-16, 25-20 kahapon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Umiskor ng 10 hits at 3 blocks si Rommel Rosales habang nagdagdag ng tig -12 puntos sina Joebert Almodiel at Rey Taneo upang pangunahan ang naturang panalo.

Tanging sa digs lamang nakaungos ang Heavy Bombers na pinangunahan ni Froy Lahaylahay na tumapos na may 10 puntos sa itinala nilang 22-digs kontra sa 20 ng Altas habang tabla sila sa service aces na tig-3.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagdomina ang Altas sa hits, 44-25 maging sa blocks, 5-0 at sa receptions, 28-17.

Dahil sa kabiguan, mas lalong nabaon ang Heavy Bombers sa ilalim ng standings pagkaraang manatiling wala pa ring panalo pagkatapos ng limang laro.

Sa women’s division tumatag sa ikalawang posisyon ng team standings ang Lady Altas makaraang iposte ang ika-4 na panalo sa panglimang laro matapos igupo ang JRU Lady Bombers,25-21, 22-25, 25-14, 25-21.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod at pangatlong pangkalahatan para sa Lady Bombers na bumagsak sa markang 2-3.

Nanguna si Superliga veteran Maria Lourdes Clemente sa Lady Altas sa naiskor na 19 hits kabilang ang 14 na kills at dalawang blocks, habang kumana si Cindy Imbo ng 18 puntos para gabayan ang Perpetual sa 4-1 marka.

“We got really improve our service, which was really bad in the first two sets especially in the second set,” sambit ni Lady Altas coach Macky Carino.

“I gave her (Llorente) an opportunity and I’m happy she made the most of it,” aniya. - Marivic Awitan