Ni Clemen Bautista

BAHAGI na ng tradisyon at kaugalian na tuwing sasapit ang ikatlong Linggo ng malamig na Enero, ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang kapistahan ng Sto. Niño o Divine Child – ang itinuturing at kinikilalang Patron Saint ng mga bata. At ngayong ikatlong Linggo ng Enero, sa lahat ng mga Simbahan sa iniibig nating Pilipinas tulad sa Tondo, Maynila, tampok na bahagi ng pagdiriwang ang mga misa na susundan ng prusisyon. Makikita sa prusisyon ang mga imahen ng Sto. Niño na may iba’t ibang kasuotan. Hawak ng mga bata at ng mga senior citizen at iba pang may panata at debosyon sa Sto. Niño.

Sa parokya ni San Clemente sa Angono, Rizal, ang kapistahan ng pista ng Sto. Niño ay sinimulan ng siyam na araw na obena sa Simbahan matapos ang misa sa umaga. Ang imahen ng Sto. Niño ay nakalagay sa kanang bahagi ng altar ng simbahan. Naging bahagi rin ng selebrasyon ang Sto. Niño exhibit sa unang palapag ng Formation Center ng Parokya ni San Clemente. Binuksan ang Sto. Niño exhibit nitong Enero 13, 2017. Pinangunahan ang opening ng exhibit ni Father Gerry Ibarola, parish priest ng Parokya ni San Clemente. Binasbasan niya ang mga imahen ng Sto. Niño sa exhibit na may iba’t ibang kasuotan. Magdarasal ng Rosaryo sa bawat gabi ng exhibit. Ang mga imahen sa exhibit ay isasama sa Sto. Niño festival sa hapon ng ika-21 ng Enero na bahagi rin ng kapistahan.

Sa kapistahan ng Sto.Nino, bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbibigay-buhay sa mga tradisyon na kaugnay ng selebrasyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mababanggit na halimbawa ang SINULOG Festival sa Lungsod ng Cebu na tinawag na “City of the Most HolyName of Jesus”.

Ang Sinulog Festival ang nagpakilala sa daigdig sa Cebu City na nagdaraos ng ganitong uri ng pagdiriwang tuwing sasapit ang ikatlong Linggo ng Enero.

Sa Kalibo, Aklan, binibigyang-buhay sa kapistahan ng Sto. Niño ang “Ati-Atihan”o street dancing. Dinarayo ng mga turista sa iba’t ibang bayan at lalawigan at maging ng mga turistang mula sa ibang bansa. Ngayong 2018, ang Obispo ng Diocese ng Kalibo ay nanawagan sa pagdaraos ng “Ati-Atihan Festival”. Sa bahagi ng panawagan ni Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc, hiniling niya sa mga deboto at mananampalatayang Katoliko na tiyakin na ang festival ay magpapalalim ng kanilang debosyon sa Sto. Niño. Ginawa ang panawagan dahil sa idinaos na Ati-Atihan 2018 Bikini Contest na nilahukan ng mga kabataang babae at lalake. Nagbigay ng batik ang nasabing timpalak sa kasagraduhan ng gagawing pagdiriwang. Nilabag ng paligsahan ang sense of decency, morality at ang sanctity o pagiging sagrado ng kapistahan ng Sto. Niño de Kalibo.

Sa Lungsod ng Iloilo, ang pagpaparangal at pagdiriwang sa kapistahan ng Sto. Niño ay sa pamamagitan naman ng “Dinagyang Festival” na isa na ring tourist attraction sa nasabing lungsod. Ganito rin sa Kabankalan City, Negros Occidental na tampok rin ang “Sinulog Festival” na ipinakikita sa mga sayaw at drama ang kasaysayan, kultura at pag-unlad ng siyudad ng Kabankalan.

Ang Pista ng Sto. Niño, ayon sa kasaysayan ay ang isa sa pinag-uukulan ng debosyon. Nagsimula ito sa Sto. Niño de Cebu (Sugbu ang dating tawag) nang ibigay ni Ferdinand Magellan ang imahenng Sto. Niño bilang regalo kay Reyna Juana matapos binyagan. Si Reyna Juana ay ang asawa ni Raha Humabon ng Cebu. Ang dati niyang pangalan ay Reyna Humamay. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Pedro Valderrama pati na rink ay Raha Humabon. Ang kanyang kristiyanong pangalan ay Carlos.

Nang mapatay si Ferdinand Magellan ni Lapu-lapu sa Mactan Island at tumakas ang kanyang mga tauhan sa Spain, naiwan ang imahen ng Sto. Niño. Makalipas ang may apat na dekada, ang imahen ng Sto. Niño ay natagpuan sa isang nasunog na bahay sa Cebu noong 1565 ni Juan Camus, isa sa mga tauhan ni Miguel Lopez de Legazpi na kasama sa ekspidisyon.

Sa pagkakatagpo ng imahen ng Sto. Niño, tinawag ng mga Kastila ang Cebu na “Villa del Santissimo Nombre de Jesus” o Most Holy Name of Jesus. Mula noon hanggang ngayon, ang Simbahan sa Cebu City ang naging shrine o dambana ng “Santo Niño de Cebu”. Nagsimula naman sa Spain ang debosyon sa Sto. Niño. Sinasabing si Sta.Teresa ng Avila ang pinaniniwalaang nagpasimula sa imahen ng batang si Jesus na nakadamit na katulad ng isang hari.

Mula sa Cebu, mahigit na 400 taon na ang nakalipas, ang debosyon sa Sto. Niño ay lumaganap sa buong bansa. Marami na ring barangay sa iba’t ibang bayan sa iniibig nating Pilipinas na isinunod ang pangalan sa Sto. Niño. At mula naman sa Europa, ang pamamanata ay ginagawa na rin sa Asia at iba pang bansang Katoliko.

Ang imahen ng Sto. Niño ay nagpapagunita sa atin ng mga bagay na kahanga-hanga sa mga bata. Sila ang pinakamalinis na nilikha ng Dakilang Maykapal. Tulad ng batang si Jesus, ang mga bata ang nagpapaalala sa atin ng kanilang kawalang-malay, malinis na budhi, simple o payak, kababaang-loob at pagiging matapat.

Ang imahen ng Sto. Niño at ang pagdiriwang ng kanyang kapistahan ay isang magandang tagapagpagunita upang ang mga bata ay dapat mahalin, kalingain at pamahalaan ng mga magulang.