volleyball copy

Ni Marivic Awitan

NANATILING nasa unanahan ang Arellano University Chiefs sa NCAA Season 93 Men’s Volleyball standings matapos igupo ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 25-18, 21-25, 25-14, 25-22, kahapon sa Fil Oil Flying V Centre.

Bumawi ang Chiefs sa second set na pagkatisod makaraang paalalahanan ni coach Sherwin Meneses.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Sabi ko lang sa kanila na hindi puwedeng bigla na lang kami nagre-relax ng ganoon kasi importante lahat ng laban namin. Kailangan focused kami lagi,” ani Meneses.

Matapos masermunan, humataw ang Arellano sa sumunod na dalawang set tungo sa pahirapang panalo.

“Sana magtuloy-tuloy lang ‘yung ganitong laro namin kasi alam din namin na pahirap ng pahirap ‘yung mga laban namin this season,” sambit ni Meneses.

Pinangunahan ni Kevin Liberato ang panalo ng Chiefs sa itinala nitong 16 puntos.

Dahil sa kabiguan, bumagsak ang Heavy Bombers na pinamunuan ni Wenjo Lahaylahay na may 10-puntos sa buntot ng standings taglay ang barahang 0-4.

Samantala sa women’s division, nagtala ng 20-puntos si Regine Arocha at 17-puntos naman si Jocelyn Prado upang pangunahan ang Arellano Lady Chiefs na panatilihin ang kanilang kapit sa liderato sa pamamagitan ng 25-11, 22-25,25-18,25-16 paggapi sa Lady Bombers para sa ikatlong sunod na panalo.

Bunga ng kabiguan, naputol ang naitalang dalawang sunod na panalo ng Lady Bombers at bumaba sa patas na barahang 2-2.

Naisalba naman ng Perpetual Help Lady Altas ang matikas na pakikihamok ng San Sebastian tungo sa 25-22, 25-23, 7-25, 18-25, 15-11 panalo sa women’s match-up nitong Lunes.

Hataw si Ma. Lourdes Clemente sa naiskor na 15 puntos, tampok ang 11 kills para sa ikalawang panalo ng Lady Altas sa tatlong laro at makisosyop sa JRU sa ikaapat na puwesto.

Nag-ambag sina Cindy Imbo ng 14 puntos at kumana si skipper Bianca Tripoli ng 12 puntos, habang kumumbra si Necelle Mae Gual ng 40 excellent sets.