Ni JEROME LAGUNZAD

Mga Laro sa Huwebes

(Ynares Sports Arena)

3 n.h. -- Opening Ceremonies

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4 n.h. -- Marinero vs Zark’s-Lyceum

TATANGKAIN ng Centro Escolar University na magamit ang malawak na karanasan sa championship para maisulong ang kampanya sa 2018 PBA D-League Aspirants Cup na magsisimula sa Huwebes sa Ynares Sports Arena.

Matapos mabigo sa Cignal HD Hawkeyes sa Foundation Cup sa nakalipas na season, target ng Scorpions na makabalik sa wisyo at maisakatuparan ang minimithing dominasyon, sa pangunguna ni Congolese big man Rodrigue Ebondo.

Makakatuwang niya sina playmaker Orlan Wamar, gunner Judel Fuentes at forward Mark Neil Cruz sa layunin ni CEU coach Yong Garcia na mulig mangibabaw mula nang makamit ang Foundation Cup noong 2015 bilang Café France.

“Tingin ko magkakaroon kami ng malaking chance this conference. Halos mga collegiate teams ‘yung kasali ngayon so kami na siguro ‘yung pinaka-beterano. Mataas rin naman ang kumpiyansa ng mga bata. Kailangan lang namin ipakita sa laro,” pahayag ni Garcia sa panayam ng Tempo-Balita.

Kumpiyansa si Garcia, 42, na magagamit ng 6-foot-7 Ebondo ang karanasan nang magsilbi siya sa National Congo Team sa FIBA World Cup African qualifiers sa nakalipas na taon.

“Alam naman natin na walang masyadong problema kay Rodrigue. Every time na binibigyan siya ng chance na makapaglaro, all-out rin naman talaga siya,”aniya.

“‘Yung Marinero, grabe ang lineup ngayon. Halos lahat ng magagaling sa collegiate, nasa kanila kaya sila ang team-to-beat,” sambit ni Garcia, patungkol sa line-up na kinabibilangan nina University of the East Alvin Pasaol, La Salle big man Abu Tratter and Ateneo counterpart Vince Tolentino during the rookie draft.

“‘Yung ibang mga school-based teams naman, andu’n na ‘yung familiarity and cohesion ng mga players nila. Talagang organized teams rin ang mga makakaharap namin kaya tingin ko mas mahirap ang labanan ngayon.”