Ni Nora Calderon

ILANG beses nang may offer kay Alden Richards na mag-guest sa Road Trip pero dahil sa busy schedule, hindi niya matanggap lalo na kung malayo ang pupuntahang lugar. 

Alden copy copy

Magaganda ang mga ipinalabas nang episodes ng Road Trip mula sa Luzon hanggang Visayas at Mindanao, na bukod sa magagandang lugar ng bansa, natitikman din ng featured stars ang mga pagkaing sikat sa lokalidad, pero ang hindi mawawala ay ang challenges sa celebrities na inimbitahan ng GMA News & Public Affairs. 

Tourism

Holiday season sa Rizal? Sagot ka na ng Masungi Georeserve

Unang episode nila, sa two Sundays na ipinalabas, ang Batanes na ang pamilya ni Zoren Legaspi, Carmina, at kambal na sina Mavvy at Cassy na hindi sila sumuko sa challenges na ipinagawa sa kanila.

Ngayon, sa final episode ng Road Trip, hindi na tumanggi si Alden sa offer at kasama niya ang mga kaibigan niyang sina DJ/host Sam YG, Bea Binene at Divine Tetay. Tinanggap nila ang hamon na ginawa nila sa Sky Ranch theme park sa Tagaytay City.

“Napakaganda po roon at talagang nag-enjoy kami,” sabi ni Alden. “Nagmistula kaming mga bata na sumakay sa mga rides doon. Inalis namin ang takot sa iba’t ibang rides na napakarami dahil five hectares pala ang laki noon. May buwis-buhay challenge din kaming ginawa ang wakeboarding. At siyempre, hindi po mawawala ang food trip, lalo na at famous ang Tagaytay sa Bulalo.”

Ang tema sa huling episode ng Road Trip ay tinawag nilang paghahanap ng “Happy Place To Heal Your Hugot”. Sa ginawa nilang challenges, nai-shout out nila ang mga hugot nila sa takot na naramdaman nila.

Sino kaya sa kanilang apat ang na-overcome ang takot pagkatapos gawin ang challenges?

Ang Road Trip ay mapapanood ngayong 5:00 PM sa GMA 7 pagkatapos ng GMA Blockbuster. Dito papalit ang fantasy-adventure na Sirkus sa January 21.