Ni Gilbert Espeña

GINIBA ni FIDE Master Deniel Causo si Vietnamese Tran Dang Minh Quang sa ninth at final round tungo sa overall fifth place finish sa Laos International Open Chess Championship 2018 kamakailan sa Don Chan Palace Hotel & Convention, sa Vientiane, Laos.

Sa katunayan ang Thailand-based chess instructor na si Causo, dating top player ng National University, ay kasalo sina International Master (IM) Duong The Anh at Grandmaster (GM) Bui Vinh ng Vietnam at FM Lee Jun Hyeok ng South Korea sa pagtala ng 6.5 puntos pero lumagay sa No. 5 matapos ang tiebreaker na may 46.0.

Nakamit ni Duong The Anh ang third place na may 46.5 kasunod si fourth place Bui Vinh na mayroon ding 46.5. Si Lee Jun Hyeok ay nasa sixth place na may 43.5 lower tie break points.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pumuwesto rin si Causo na overall fifth place finish sa Jolimark Hongkong International Open Chess Championship nitong Disyembre 27 na ginanap sa Kung Lee College sa Tai Hang Drive, Hong Kong.

“FM (Deniel) Causo gained international accolades and made the country proud.” sabi ni Sales Director Samivin V. Delos Santos ng SM Development Corporation.

“My husband (Causo) cannot explained how lucky he get in the last 3 International tournaments that he played in.

Despite of playing without preparation while coaching his student playing in the same tournament somehow he still manage to get good results and win prizes. It’s definitely God’s favor,” pahayag ni Julie Ann Mendez Causo, maybahay ni Causo sa sa facebook account.

Nauwi sa tabla ang laban ni Grandmaster (GM) Karen Grigoryan ng Armenia kontra kay Duong sa final round tungo sa first place na may 7.5 puntos. Habang si IM Le Tuan Minh ng Vietnam na nagwagi naman kay Fide Master Wiwatanadate Poompong ng Thailand ay nakopo ang No.2 spot na may 7.0 puntos.