Ni GENALYN D. KABILING

Ang mga guro sa pampublikong paaralan ang susunod na benepisyaryo ng planong pagtaas ng suweldo sa gobyerno.

Matapos isulong ng gobyerno ang pagdoble sa sahod ng mga sundalo at pulis, nais ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang suweldo ng mga guro ng pamahalaan gamit ang malilikom na pondo mula sa susunod na tax reform package.

“The President also stated that with the second tax reform package, he has instructed DBM (Department of Budget and Management) and all other agencies to find means to increase the salary of teachers after the initial doubling of salaries of the AFP and the police so the teachers will be next,” ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pulong balitaan sa Palasyo.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Ayon kay Roque, hindi sinabi ng Pangulo kung magkano ang itataas sa suweldo ng guro ngunit posibleng dodoblehin din ang kanilang sahod.

“Judging by what he wanted for the PNP (Philippine National Police) and the AFP (Armed Forces of the Philippines), it could be that he is also aiming to double the entry salary for teachers,” aniya.

Kasunod ng pagpapatibay sa batas na nagpapababa sa income tax ngunit nagtataas ng buwis sa fuel, tabako, sasakyan at sweeten drinks, isusulong naman ng pamahalaaang Duterte na maipasa ang ikalawang tax reform package para matustusan ang gastusin sa imprastraktura at mapanatiling matatag ang budget deficit.

Kamakailan ay sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na magsusumite sila ng panukala para sa ikalawa sa limang tax reform packages sa Kongreso ngayong buwan. Layunin ng panukala ng DOF na maibaba ang corporate income taxes at gawing moderno ang fiscal incentives

Sinabi niya na ang karagdagang tax reform packages na ito “are not really designed to make more revenues” kundi para maging mas patas ang sistema.