Ni Leonel M. Abasola

Nanindigan si Senador Panfilo Lacson na walang puwedeng magdikta sa Senado, kahit na si Pangulong Duterte pa, makaraang batikusin ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ayon sa kanya ay pagyurak sa Mataas na Kapulungan.

“At the very least uncalled for and smacks of unparliamentary conduct. The Senate works differently from the House in that we think and act more independently as individual members. Nobody, not the Senate President and even the President of the Republic can dictate on us,” ani Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na walang karapatan si Alvarez na siraan ang Senado, na una nang tinawag ng Speaker bilang “mabagal na kapulungan” dahil sa pagkabigong aprubahan ang mga panukalang pasado na sa Kamara.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists