frivaldo copy

Ni Annie Abad

MAKAKAKUHA ng suporta buhat sa mga Senador ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa paghahanda sa nalalapit na hosting ng bansa sa Southeast Asian Games (SEAG) sa 2019.

Ito ang siniguro ni PSC Executive Director Sannah Frivaldo ng makapanayam ng Balita kahapon sa kanyang tanggapan sa Rizal Memorial Complex.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kabilang sa mga Senador na pagkukunan ng PSC ng suporta ay sina Senador Manny Pacquiao, Miguel Zubiri at iba pa na nangako ng suporta sa paghahanda sa biennial meet.

“We have several sources for the SEAG preparations. We got support from the Senators of Manny Pacquiao, Senator Zubiri and among others. We’ll also get help from the National Government,” pagtitiyak ni Frivaldo.

Kasalukuyan umanong nakikipag-ugnayan ang PSC kay Presidential Management Staff (PMS) Secretary Bong Go para sa karagdagang suporta lalona sa pagpapagawa ng venues,partikular na ng Rizal Memorial Complex, katulong din si DFA secretary Allan Peter Cayetano.

“All the planning and allocation of funds,yan ang ginagawa namin ngayon. In fact ready to renovate na yung South and West wing ng PSC Dorm, may pondo na yan, nag fail lang sa bidding pero okay na yan,”ayon pa kay Frivaldo.

May nakalaang kabuuang P2 Bilyon piso para sa renovation ng Rizal Memorial Sports Complex na isa sa pangunahing venue sa darating na SEAG.