Kasado na sa Biyernes, Enero 5, ang isasagawang plebisito upang desisyunan ng mga taga-Navotas City ang paghahati sa tatlong malalaking barangay para makalikha ng karagdag ang apat na barangay sa lungsod.

Planong hatiin ang mga barangay ng North Bay Boulevard South (NBBS), Tangos, at Tanza, na may pinakamalalaki at may pinakamaraming populasyon sa buong Navotas.

Sa bisa ng RA 10933, hahatiin ang NBBS sa Barangays NBBS Proper, NBBS Kaunlaran, at NBBS Dagat-Dagatan.

Ang Bgy. Tangos naman ay hahatiin sa Barangays Tangos North at Tangos South, alinsunod sa RA 10934; habang ang Bgy. Tanza ay gagawing Barangays Tanza 1 at Tanza 2.

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Inamuki ni Mayor John Rey Tiangco ang mga residente sa naturang mga barangay na makiisa sa isasagawang plebisito, simula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa NBBS Elementary School, Kapitbahayan Elementary School, at Dagat-Dagatan Elementary School sa Bgy. NBBS.

Idaraos din ang plebisito sa Tangos Elementary School-Mother at Annex sa Bgy. Tangos; at Tanza Elementary School sa Bgy. Tanza. - Orly L. Barcala