BEBENTA Sinisipat ni Army Sgt. Vicente Carle ang silkscreen ng imahen ng Poong Nazareno na gagamitin sa pag-iimprenta ng mga T-shirt para sa mga debotong makikiisa sa prusisyon sa Biyernes, sa kanilang workshop sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. (MB photo |     ALI VICOY)
BEBENTA Sinisipat ni Army Sgt. Vicente Carle ang silkscreen ng imahen ng Poong Nazareno na gagamitin sa pag-iimprenta ng mga T-shirt para sa mga debotong makikiisa sa prusisyon sa Biyernes, sa kanilang workshop sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. (MB photo | ALI VICOY)
Matapos ang holidays, nagsimula nang maghanda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa taunang Traslacion ng Mahal na Poong Nazareno sa Maynila, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng milyun-milyong deboto sa Martes, Enero 9.

Ayon kay Edison Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, magpapakalat ang ahensiya ng traffic enforcers, rescue personnel, medical teams, at clearing operation members sa paligid ng Quirino Grandstand, Quiapo Church, at sa ruta ng prusisyon.

“We will manage traffic flow in areas that would be affected by the Feast of the Black Nazarene as several roads would be temporarily closed to give way for the procession. We will also help ensure the safety of the millions of devotees that will join the annual religious feast,” sabi ni Nebrija.

Gaya ng mga nagdaang taon, sinabi ni Nebrija na magtatayo ang MMDA ng medical stations sa mga dadaanan ng Traslacion upang mabigyan ng paunang lunas ang mga masusugatang deboto.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa kasagsagan ng pista, nakikiisa ang mga nakayapak na deboto sa tatlong-kilometrong prusisyon mula sa Rizal Park patungong Quiapo Church bilang tanda ng pagsisisi at pagpapakita ng pananampalataya sa milagrosong poon.

Bago ang prusisyon, sinabi ni Nebrija na inatasan din ang MMDA na siguruhing magiging malinis ang daraanan ng prusisyon upang hindi maantala ang daloy ng Traslacion.

“We will remove illegally parked vehicles and vendors in coordination with the Manila City government so that procession would be continuous,” sabi ni Nebrija. - Anna Liza Villas-Alavaren