SOUTH KOREA – Itinanggi ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ang pagbisita niya sa South Korea ay bahagi ng programa para i-promote ang PyeongChang Olympics.

Sa panayam ng South Koream media, sinabi ng senador na ang kanyang pagbisita sa bansa ay bahagi lamang ng bakasyon ng pamilya sa Bagong Taon. Itinanggi niya na inimbitahan siya ng National Assembly para sa promotional event ng PyeongChang Paralympics.

Aniya, mali ang naunang balita na lumabas sa lokal na pahayagan.

“Family vacation, the same as last year,” pahayag ni Pacquiao sa Korean newspaper.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Itinanggi rin ni Pacquiao ang balita na nakikipag-usap siya sa mga political personality, tulad ng Liberty Korea Party, the People’s Party at Korea Institute for Shared Growth para sa kanyang planong pulitikal sa Pilipinas.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang mensahe sa ika-33 kaarawan ni Pacquiao sa General Santos City noong Disyembre 17, ang nagsabi na posible at may tsansa si Pacman na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Sa kanyang pamamalagi sa Korea, ang tanging ginawa ng Pinoy champion ay maging guest sa Korean TV variety show “Infinite Challenge” na ipinalalabas sa MBC.

Tanging si Pacquiao ang nabubuhay na boxer na eight-division world champion, at number two sa top pound-for-pound boxers list ng ESPN sa nakalipas na 25 taon. Ang laban niya sa Amerikanong si Floyd Mayweather Jr. sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas noong 2015 ang itinuturing na “the fight of the century.”