Ni EDWIN G. ROLLON

Atletang Pinoy sa Gabi ng Parangal ng PSA.

MAGKAHALONG saya at lungkot ang hatid ng tagumpay at kabiguan ng mga Pambansang Atleta sa kanilang kampanya sa international at local competition.

ancajas copy copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagawa nila ang kanilang tungkulin na mabigyan ng karangalan ang bansa – sa kabila ng kabiguan – ay matatag nilang hinaharap ang mga pagsubok. Sa pagkadapa, kagyat din silang tumindig para muling lumaban at bigyan ng dangal ang sambayanan.

Sa pagtatapos ng taong 2017, muling igagawad ng Philippine Sportswriters Association – pinakamatandang media organization sa bansa – ang parangal sa mga natatanging atleta sa gaganaping Gabi ng Parangal sa Pebrero 27 sa Maynila Hall ng makasaysayang Manila Hotel.

Nangunguna sa listahan ng mga bayaning atleta na bibigyan ng pagkilala sa seremonya sina billiards king Carlo Biado, bowling queen Krizziah Lyn Tabora at boxing titlist Jerwin Ancajas.

biado copy copy

Sina Biado, Tabora at Ancajas ang pangunahing kandidato para sa Athlete of the Year award – pinakamataas na parangal na ibinibigay ng PSA na binubuo ng mga sports editors, columnist at writers sa publication, broadcast at on-line media.

Inaasahang, maisasama rin sa kandidato ng premyadong parangal si International Boxing Federation light-flyweight champion Milan Melindo na nakatakdang sumabak kontra WBA titlist Ryoichi Taguchi sa ‘unification bout’ sa Disyembre 31 sa Tokyo, Japan.

“It’s that time of the year again when the PSA throws a party for the best and brightest in Philippine sports,” pahayag ni PSA president at Spin.Ph editor Dodo Catacutan.

tabora copy copy

“These athletes deserve nothing less,” aniya.

Tatanggap din ng pagkilala ang mga natatanging sports officials tulad nina Ramon S. Ang ng San Miguel Corp., Manuel V. Pangilinan ng MVP Group of Companies at Judes Echauz ng Philippine Sailing Association.

Nakalinya ring makatanggap ng pagkilala ang 23 gold medalists sa 29th Kuala Lumpur Southeast Asian Games at ang 20 gold winners sa ASEAN Para Games.

Ang dating Tempo/Manila Bulletin sportswriter-columnist at boxing analyst at ngayo’y Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Pinol ang inimbitahan bilang guest of honor at speaker.

“It’s a great honor that a former colleague in the sports beat who has risen to prominence will be with us on the night when we fete our top athletes,” sambit ni Catacutan.

Itinatag noong 1949, ang 80-member PSA ay muling nagpapasalamat sa tulong at ayudang ipinagkaloob ng San Miguel Corp., Milo, Tapa King, Cignal, Might Sports, Globalport at Philippine Sports Commission.

Kaagad na napasama ang 25-anyos na si Ancajas, pambato ng Panabo, Davao del Norte at nasa pangangasiwa ng Manny Pacquiao Promotions, sa listahan ng AOTY candidates matapos ang matagumpay na pagdepensa sa IBF junior bantamweight title ng tatlong ulit, huli’t kontra Irishman Jamie Conlan na pinabagsak niya sa ikaanim na round sa harap ng mga kababayan nito sa Belfast, Ireland.

Muli namang kinilala ang Pinoy sa international billiards at bowling sports nang magwagi sina Tabora at Biado.

Mistulang dehado sa labanan na tinatampukan ng mga beterano at mga dating kampeon, nangibabaw ang husay ni Tabora at angkinin ang Bowling World Cup nitong Nobyembre sa Hermosillo, Mexico. Ang tagumpay ni Tabora ang tumapos ang 14-taong kabiguan ng Pinoy sa pinakamalaking bowling tournament sa mundo.

Sa isa pang pagkakataon, Pinoy ang nagtaas ng prominenteng tropeo at makasama sa listahan ng mga kampeon tulad nina bowling great Paeng Nepomuceno, Bong Coo, namayapang si Lita dela Rosa, at C.J Suarez.

Pinawi rin ni Biado ang mahabang taong pagkauhaw ng Pinoy sa kampeonato sa billiards nang makopo ang World 9-Ball crown sa All-Pinoy Finals sa Doha, Qatar nitong Disyembre. Bago ang pinakamalaking laban sa kanyang career, napagwagihan ng 34-anyos ang gintong medalya sa World Games sa Poland at SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Biado ang ikalimang Pinoy na tinanghal na World Champion sa likod nina billiards icon Efren ‘Bata’ Reyes (1999), Franciso ‘Django’ Bustamante (201), Ronnie Alcano (2006) at Fil-Canadian Alex Pagulayan (2004).

Naghihintay din ang parangal bilang Special awards na Mr. Basketball, Ms. Volleyball, President’s Award, at National Sports Association of the Year.