Ni Danny J. Estacio

TAGKAWAYAN, Quezon – Labing-isang pasahero ng bus, kabilang ang driver, ang nasugatan nang bumulusok sa bangin ang sasakyan sa may Quirino Highway sa Barangay Bagong Silang, Tagkawayan, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Sugatan sina Rica Antone, Salvacion Sto. Domingo, Milagros Antone, Lynlyn Oco, Ramon Lord Nerier, Angelo Sto. Domingo, Joselito Sto. Domingo, Anaceta Aninion, Jaymark Aninion, pawang pasahero; at ang konduktor na si Rommel Rosales; at driver na si Herbert Umali.

Dinala ang mga biktima sa Maria Eleazar Memorial District Hospital sa Tagkawayan at sa St. Peter General Hospital sa Calauag dahil sa mga natamo nilang sugat, makaraang saklolohan ng Tagkawayan disaster management office, Tagkawayan Police, Bureau of Fire Protection at 22nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bandang 1:45 ng umaga at binabagtas ng Golden Dragon AB liner bus (AGO-0016) ang pababang bahagi ng kalsada patungong Bicol mula sa Metro Manila nang aksidenteng mawalan ng kontrol sa sasakyan si Umali hanggang dumiretso sa bangin ang bus.

Nag-iimbestiga na ang pulisya, partikular sa alegasyon ng mga pasahero na nakatulog umano si Umali habang nagmamaneho.