Steve Kerr (Harry How / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)
Steve Kerr (Harry How / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)

NI BEN R. ROSARIO

GAGAMITIN ng mambabatas na nangunguna sa pagsasabatas ng legalisasyon ng paggamit ng ‘medical cannabis (marijuana) bilang argumento ang mga pahayag ng ilang personalidad sa National Basketball Asociation (NBA), sa pangunguna ni Golden State Warriors champion coach Steve Kerr.

Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano, principal author ng House Bill 6517, ang isinusulong na argumento para alisin ang pagbabawal sa paggamit ng cannabis sa NBA ay sapat nang dahilan upang maging legal ito sa Pilipinas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaang, isiniwalat ni Kerr sa panayam na kabilang siya sa maraming personalidad sa NBA na nagsusulong at sumusuporta sa pagalis ng banned sa paggamit ng ‘medical cannabis’.

Iginiit ni Albano na malaki ang tsansa na mananalo ang ipinaglalaban ng grupo ni Kerr.

Bukod kay Kerr, sinabi ni Albano na sinusuportahan din ang legalisasyon nito nina Minnesota Timberwolves star Karl Anthony Towns at dating NBA Commissioner David Stern, higit at maraming NBA players ang nagmula sa mga lungsod na legal nang nagbebenta at nakabibili ng marijuana bilang gamot.

“Athletes who suffer from excruciating pain caused by serious sports injuries should be allowed to access medical cannabis,” pahayag ni Albano.

Aniya, nagsimula ang tahasang pagsang-ayon ng NBA community nang ipahayag ni Denver Nuggets power forward Al Harrington na malaki ang naitulong nang ‘cannabis’ para maibsan ang labis na kirot na nadarama bunga nang tinamong injury sa tuhod.

Iginiit naman ni Towns, nangangarap na maging doctor bago napasabak sa NBA, na personal niyang nasaksihan kung paano nabibigyan ng kaginhawaan ang mga pasyenteng dumaranas nang matinding kirot, gayundin ang mga batang autistic.

Pinasalamatan ni Albano, senior member ng Commission on Appointments, ang naging pahayag ng mga top professional athlete, na aniya’y malaki ang maitutulong para sa ipinaglalaban niyang batas hingil dito.

“I know they’re supporting medicinal marijuana for pain alleviation but I don’t agree if people will mix it with recreational cannabis,” sambit ni Albano.

Ang HB 6517 ay naglalayon na mabigyan nang pagkakataon ang mga pasyenteng nangangailangan nito para sa kanilang mabilis na paggaling.

Co-authors sa naturang batas sina Reps. Johnny Pimentel (PDP-Laban, Surigao del Sur) at Tom Villarin (Akbayan Partylist).