Si Toni Gonzaga ang itatampok sa pamaskong handog ng Maalaala Mo Kaya na ipapalabas ngayong gabi, kasama sina Gloria Diaz, Boots Anson Roa, Juan Rodrigo, Jojo Abellana, Justin Cuyugan, Denise Joaquin, Karen Timbol, Teetin Villanueva, Natasha Cabrera, Yesha Camille, Miel Espinoza, Niña Dolino, Kokoy de Santos at Gen Rodolfo. 

Gaganap si Toni bilang si For Josephine Llorca na sa edad na mahigit trenta ay nag-aalaga sa kanyang ina na mayroong Alzheimer’s disease. Isinakripisyo niya ang kanyang sariling kaligayahan at maging ang pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling pamilya para maalagaan nang maayos ang ina. Ginagawa niya ang lahat upang maalagan ang ina. Kaya gumuho ang mundo niya nang pumanaw ito nang tumuntong siya sa 42 taong gulang, at mag-isang pinalipas ang Pasko nang taong iyon.

Pagkaraan ng isang taon, Bisperas ng Pasko, nagsimba si Josephine upang ipanalangin ang kaluluwa ng kanyang ina. Pag-uwi, nakakita siya ng matandang babaeng pulubi na naglalakad. Nilapitan niya ito at saka lang niya napagtanto na hindi ito pulubi kundi babae na may sakit na katulad ng kanyang ina.

Kinausap niya ito at niyayang sumama sa kanya pauwi at ipinagdiwang ang Pasko na ito ang kasama. Muling nakaramdam si Josephine ng kabuluhan sa buhay. Maligaya siya pero alam niya na kailangang makauwi sa sariling pamilya ang matandang babae. Nag-post siya ng larawan nito sa Facebook at natulungang maibalik ang matanda sa mga mahal sa buhay.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Panoorin ang kuwento ni Josephine, ngayong gabi na pagkatapos ng Little Big Shots.