Matapos italaga si 2009 CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), nais din ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglagay ng kinatawan ng lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) sa ahensiya.

Sa pagdalo ng Pangulo sa yearend gathering ng LGBT sa Davao City, sinabi nito na pagkakataon na ng grupo na ipakita ang kanilang talino at galing sa serbisyo-publiko.

Idiniin ni Duterte na hindi isyu sa kanya ang kasarian ng mga opisyal ng PCUP basta’t tiyakin lamang ng mga ito na maayos ang kanilang trabaho.

Sinabi niya na mayroon hanggang ikalawang linggo ng Enero 2018 ang sektor ng LGBT para mag-usap-usap, mamili at magrekomenda sa kanya ng kinatawan na ilalagay sa PCUP. - Beth Camia

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji