LOS ANGELES (AFP) – Sa bunganga ng isda nagmula ang paniniyak na walang magaganap na Conor McGregor-Manny Pacquiao duel sa susunod na taon.

Sa ambush interview ng TMZ Sports, sinabi ng mixed martial arts star at UFC premier fighter, ipinapalagay na susunod na makakalaban ni Pacman, na magbabalik aksiyon siya – hindi sa boxing ring bagkus sa octagon.

“I think a true fight is what I want to do next,” pahayag ni McGregor. “MMA next.”

Nitong Nobyembre, naglabas ng litrato ni McGregor sa kanyang Instagram si Pacman na may pahayag na ‘stay fit my friend’.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

At sa mga sumunod na panayam, iginiit ng eight-division world champion Senator Manny Pacquiao na nagkakaroon na ng negosasyon sa kampo ni McGregor at ng kanyang promotions para sa duwelo na magaganap sa Abril 2018.

“If we can negotiate it, I have no problem. It is OK with both of us,” pahayag ni Pacquiao.

Inamin ni Pacquiao na nagkaroon ng usapan ang magkabilang panig, ngunit walang opisyal na napagkasunduan.

“Initially, but we have not yet had any follow-up conversations,” aniya.

Itinanggi naman ni UFC president Dana White na may negosasyon na nagaganap sa pagitan ng kampo ni Pacquiao at McGegor. Nilinaw niyang nakakontrata sa UFC ang Irish star at ang mga usapin na walang direktang kinalaman ang UFC ay walang saysay at imbalido.

Binalaan din ni White si Pacquiao na idedemanda kung patuloy itong makikipag-negosasyon kay McGregor na walang basbas ng UFC.

Hindi pa lumalaban si McGregor sa mixed martial arts o boxing mula nang matalo kay unbeaten Floyd Mayweather sa 10th-round technical knockout sa kanilang much-hyped bout sa Las Vegas nitong Agosto.

Sa inilabas na record ng Showtime, idineklarang cross-combat superfight ang laban na umani ng 4.3 milyon buys sa North American pay-per-view.

Nangunguna pa rin ang laban nina Mayweather at Pacquiao na may record sales na 4.6 million pay-per-view buys.

Sa kabuuang, ayon sa Showtime tumabo ang Mayweather-McGregor fight ng $US600 milyon.