Ni Annie Abbad
GENERAL SANTOS CITY -- Hindi matutuyo ang mina ng boxing talents sa lalawigan.
Ito ang paniniguro ni PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup supervising technical director Rogelio Fortaleza na aniya’y layunin ng grassroots sports program ng pamahalaan na nagsimula kahapon sa Robinsons Place dito.
Umabot sa 90 batang fighters mula sa 17 barangay at karatig lalawigan ang nagpalista sa Mindanao preliminaries ng programa, ayon kay Fortaleza.
“Our objective here is to scout potential boxers for the national team. We are crossing our fingers na marami kaming madiscover,” aniya.
Ikinalungkot man ni Fortaleza ang hindi paglahok nang ilang mga bayan, inaasahan niyang magdadagsaan ang mga ito sa mga susunod na preliminaries.
“Nagpadala naman ng mga invitations, sayang naman at hindi sumali ang iba,” sambit ni Fortaleza.
Itinuturing breeding ground ng local boxing ang Mindanao, higit ang General Santos City na pinagmulan ang ilang world champion, kabilang na si Senator Manny Pacquiao.
May 11 atleta ang Malungon, Sarangani, habang ang Barangay Aglayan of Malaybalay, Barangay Labangal at Digos City ay may walong kalahok.
May pitong boxer naman ang Davao City boxing team na nakalusot sa wigh in na ginanap sa Lagao Gym, habang ang Kidapawan City ay may anim na kalahok, gayundin ang Sultan Kudarat, Koronadal City, at Polomolok, South Cotabato.
“Yung gagawing preliminary bouts eh yung mga weight classes lang na maraming entries. The rest didiretso na sa Mindanao quarterfinals na gaganapin sa Kidapawan on February 10 and 11,” pahayag ni Fortaleza.
Nagsagupa simula kahapon sina James Errol Gahaton ng Barangay Labangal, General Santos City kontra Kim Jade Sagrado of Barangay Aglayan, Malaybalay sa junior boys pinweight (44-46 kilograms) division; Ben John Rey Yagahon ng Barangay Aglayan kontra Alvin John Sumodlayon ng Barangay Labangal sa junior boys light flyweight (48 kgs) at Alfred Gomez ng Malungon kontra Jayson Brillo ng Sultan Kudarat sa junior boys light flyweight.
Nakatajkda naman ang laban ngayon sa youth boys light fyweight (46-49 kgs) - Ariel Almamento ng General Santos City kontra Ferdinand Melegrito ng Barangay Labangal at Christian Lanutan ng Malungon kontra Jake Sone Saludar ng Polomolok; youth boys flyweight (52 kgs) - Arceboy Baranggan of Barangay Aglayan vs Carl Joshua Rafael of Malungon, John Ignatius Macas of Cagayan de Oro City vs Nino Kongkong of Koronadal City and Nichole Jhon Ligas of Digos City vs Criz Sander Laurente of General Santos City; and youth boys bantamweight (56 kgs) - Zaldy Recopuerto of Malungon vs Remark Brillo of Sultan Kudarat.
Kinatawan si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa opening ceremony nina PSC Commissioner Celia Kiram, PSC executive director lawyer Sannah B. Frivaldo at Philippine Sports Institute (PSI) national director Marc Edward Velasco.