Ni ROMMEL P. TABBAD, at ulat nina Niño Luces at Beth Camia

Aabot sa 14 na lalawigan ang nasa Signal No. 2, habang 17 pang probinsiya ang apektado sa pananalasa ng bagyong ‘Urduja’, na nag-landfall kahapon sa Eastern Samar.

Residents from barangay Poblacion, Sogod, Cebu tries to remove a coconut tree blocked in a road after it got uprooted due to strong winds of tropical strom urduja on December 16, 2017. (Photo by: Juan Carlo de Vela) mbnewspictures / mbnewspix
Residents from barangay Poblacion, Sogod, Cebu tries to remove a coconut tree blocked in a road after it got uprooted due to strong winds of tropical strom urduja on December 16, 2017. (Photo by: Juan Carlo de Vela) mbnewspictures / mbnewspix

Batay sa weather bulletin ng PAGASA kahapon, isinailalim sa Signal No. 2 ang: Albay, Sorsogon, Masbate, kasama na ang Burias at Ticao Islands, Romblon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Aklan, Capiz, at Northen Iloilo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasa Signal No. 1 naman kahapon ang Southern Quezon,a Mindoro, Marinduque, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Cuyo Islands, Calamian Group of Islands, Antique, iba pang bahagi ng Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Northern Negros Oriental, Cebu, Northern Bohol, Southern Leyte, at Dinagat Islands.

Napaulat na isinailalim na kahapon sa state of calamity ang Tacloban City sa Leyte dahil sa matinding baha na dulot ng Urduja.

MAHIGIT 160,000 APEKTADO

Iniulat din ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tatlong katao, kabilang ang isang dalawang taong gulang na bata, ang umano’y nasawi sa bagyo.

Inihayag din ng NDRRMC na aabot sa mahigit 35,000 pamilya, o halos 160,000 katao, sa Eastern Visayas at Caraga region ang apektado ng Urduja.

Nasa 111 pamilya, o 363 katao, na rin ang inilikas sa Bicol, habang mahigit 1,000 naman sa Cebu.

STRANDED

Mahigit 11,000 pasahero naman ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa, partikular sa Eastern at Western Visayas, Bicol, at Southern Tagalog.

Bigo ring makapaglayag ang 1,322 vessels, 52 cargo at 33 motorbanca dahil na rin sa laki ng mga alon.

AYUDA PINONDOHAN

Samantala, naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P245 milyon pondo at mahigit P600 milyon halaga ng relief goods sa mga maaapektuhan ng Urduja.

Binanggit ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA, na bahagyang lumakas ang bagyo na huling namataan sa layong 75 kilometro sa hilaga, hilaga-silangan ng Borongan City, Eastern Samar, o nasa 120 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Catarman, Northern Samar.

“It is packing maximum sustained winds of 80 kms per hour near the center and gustiness of up to 95 kph. Urduja is moving west at 15 kph,” ayon sa advisory ng PAGASA.

Inaasahang lalabas ang Urduja ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules.

ISA PANG BAGYO

Gayunman, sinabi ni Aurelio na isang low pressure area (LPA) ang namataan sa labas ng PAR at ito ay nasa layong 2,180 kilometro sa silangan ng General Santos City.

Aniya, kapag naging bagyo ay tatawagin itong ‘Vinta’, at inaasahang papasok sa PAR sa Martes, Disyembre 19.