Ni Marivic Awitan

GINAPI ng College of St. Benilde sa pamamagitan ng ginawa nilang pag -alagwa sa second half ang Arellano University para maangkin ang solong pamumuno sa seniors’ division ng NCAA Season 93 football competition nitong Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Complex Track and Football Stadium.

Nakakalamang ng isang goal pagkatapos ng first half matapos ang goal ni Vincent Erik Lovitos sa 12th minuto , umiskor ang Blazers ng apat na goals sa second half upang makatipon ng kabuuang 13-puntos mula sa 4 na panalo at isang draw.

Umiskor ng apat na goals para sa Blazers sa second half sina Lovitos, Major Dean Ebarle at Carmelo Vicente Genco.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa kabiguan, bumagsak ang Chiefs sa No. 3 spot kasunod ng San Beda na syang pumangalawa kasunod ng kanilang 1-1 draw sa Lyceum of the Philippines University .

Parehas may tig-10-puntos ang San Beda at Arellano ngunit mas mataas ang goal differential ng una, 27-1.

Nagtala si Nimrod Balabat sa 51st minute para sa defending champion San Beda, na nagbigay sa kanila ng 1-0 kalamangan bago itinabla ni Levi Malihan ang laban sa 73rd minute.

Nanatiling pang -apat ang LPU, sa pang -apat na puwesto na may 6 na puntos.

Sa isa pang laro, nagtapos naman ang sagupaan ng University of Perpetual Help at Mapua sa 2-2 draw.