WASHINGTON (Reuters) – Lilipad papuntang Japan at Thailand sa susunod na linggo ang U.S. envoy for North Korea upang talakayin kung paano mapatitindi ang pressure sa Pyongyang matapos ang panibago nitong ballistic missile test, sinabi ng U.S. State Department nitong Biyernes.
Sinubukan ng North Korea, na kung tawagin ay Democratic People’s Republic of Korea (DPRK), ang pinakamatindi nitong intercontinental ballistic missile (ICBM) nitong nakaraang linggo, sinabing ang device ay kayang makarating sa United States.
Nakatakdang bumiyahe si Joseph Yun, ang U.S. special representative for North Korea policy, sa Japan at Thailand sa Disyembre 11-15 upang makipagkita sa government officials “to discuss ways to strengthen the pressure campaign following the DPRK’s latest ballistic missile test,” base sa pahayag ng State Department.