Ni Annie Abad

TUMULAK patungong Yantai China kahapon ang walong pambato ng Philippine Finswiming team para makilahok sa 16th Asian Finswimming Championship sa Disyembre 7-11.

Kabilang sa nasabing koponan ang 13-anyos na si Olivia Ocampo, kasama sina Lance Hizola, Adrian Chong Park, Tehilah Mag-asa, Jelahlou Mendoza, Jean Meryl Vinas, Fritz Indab at Rolando Ambe.

Target ng koponan na makapag-uwi ng tatlong gintong medalya at malampasan ang kanilang marka na isang silver at isang bronze, ayon kay coach Mary Ann Reyes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasabay ng nasabing paglahok ng koponan, nais din nilang mapabilang sa calendar of sports ng darating ng Southeast Asian Games sa paghohost ng bansa sa 2019 ang nasabing sports discipline.

Makikipagbuno sa humigit kumulang 300 finswimmers ang tropa ng bansa, kung saan sasabak sila sa mga events na monofins at bifins long distance at short distance.