Ni: Annie Abad

KUNG sa dami nang karibal, mas mabigat ang naging laban ni Hidilyn Diaz sa katatapos na IWF World Weightlifting Championship kesya sa kampanya sa Rio Olympics sa nakalipas na taon.

Napagwagihan ni Diaz ang bronze medal sa world title na ginanap sa Anaheim, California, USA.

Sa Rio de Janeiro sa Brazil, nasungkit ng pambato ng Zamboanga City ang silver medal sa Olympics.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Ayon kay Diaz, iba ang level ng kompetisyon na kanyang naranasan sa Internional Weightlifting Federation World Championship.

“Mas mataas pa sa Olympics. Kasi mas marami kaming magkalaban dito. Itong World Championship ito din yung parang, highest level,”pahayag ni Diaz.”Simbulo ito ng sakit, iyak at saka sakripisyo ko sa training at sa simbulo ng mga suporta ng mga taong nakapaligid sa akin at sign of success for me,” aniya.

Ayon sa masteral student ng St. Benilde, kung tutuusin ay maari na siyang huminto dahil nagwagi na siya ng Olympic medal, ngunit marubdod ang hangarin niyang makabalik sa quadrennial meet at maiuwi ang matagal nang hinahangad ng sambayanan – ang Olympic gold.

“Nanalo na ko sa Olympics, so pwede na ko mag stop, pero this time kasi, it’s not about the money. Tungkol na to sa pagmamahal sa bansa, pagmamahal sa sports,” pahayag ni Diaz.