Ni: Bert de Guzman

Pinagtibay ng House committee on Metro Manila Development ang panukala na magsasaayos sa lahat ng regulasyon tungkol sa pangangasiwa sa buong Metro Manila upang mapabuti ang pagkakaloob nito ng serbisyo sa publiko.

Ang nasabing komite ay pinamumunuan ni Quezon City Rep. Winston Castelo.

Layunin ng panukala na mapalakas ang pagiging epektibo ng Metropolitan Manila Council sa paglalahad ng mga polisiya, regulasyon, alituntunin, at batas para sa Metro Manila. Sususugan nito ang RA 7924, ang “An Act Creating The Metropolitan Manila Development Authority, Defining Its Powers And Functions, Providing Funds Therefor And For Other Purposes”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Metro Manila Council ang “governing board and policy-making body” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at binubuo ng mga alkalde.