Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sinisimulan na nilang tuntunin ang kinaroroonan ng 21 consultant ng National Democratic Front (NDF) na pansamantalang pinalaya bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Marine Colonel Edgard Arevalo sa isang interview na sa ngayon ay wala pa silang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng NDF consultants o nagsisipagtago na ba ang mga ito.

Idinagdag niya na naghihintay pa rin sila ng gabay mula sa korte kung kinakailangan bang arestuhin nang muli ang NDF consultants.

Nauna nang sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Jesus Dureza na mayroong 21 NDF consultant na pinalaya para sa kapakanan ng peace talks.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“So far we don’t have any information on their location but we are awaiting for any specific guidance if there is a need for them to be re-arrested base on the order of, the order of our courts,” sabi ni Arevalo.

Nilinaw din ni Arevalo na hindi porke pormal nang tinapos ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP/NPA/NDF) ay “automatic” na nilang aarestuhing muli ang mga NDF consultant.

“When you say automatic it means the cancellation of JASIG or the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees. What’s being talk about that is automatic there is that there’s no longer the need for a formal notice to the other party that peace negotiations is already terminated. The presidential proclamation 360 is enough as a signal for them to take heed or take cue that formal peace talks has already ended,” ani Arevalo.

“We are going to await any further instruction if they will be re-arrested but our monitoring on possibly where they are is there,” dagdag niya.

Kabilang sa mga binigyan ng safe conduct passes upang makibahagi sa peace talks sina Benito at Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, Alfredo Mapano, Tirso Alcantara, Pedro Codaste at Porferio Tuna, Concha Araneta Bocala, Ernesto Lorenza, Eduardo Ganelsa, Ariel Arbitrario, Runel Saluta, Jaime Solidad, Keneddy Bangibang, at Alan Jazmines. - Francis T. Wakefield