YANGON (AP) – Tinapos ni Pope Francis ang kanyang pagbisita sa Myanmar kahapon sa isang Misa para sa kabataan bago tumulak patungo sa katabing Bangladesh kung saan inaasahang magiging sentro ang Muslim Rohingya refugee crisis.

Iniwasan ni Francis na magsalita kaugnay ng pinakamalalang humanitarian krisis ng Asia sa loob ng maraming dekada bilang diplomatic deference sa kanyang hosts sa Myanmar, na itinuturing ang Rohingya na mga illegal immigrant mula sa Bangladesh at hindi kinikilala ang mga ito bilang kanilang sariling ethnic group.

Idinepensa ng Vatican ang pananahimik ni Francis, sinabing nais ng papa “to build bridges” sa karamiha’y Buddhist na bansa. Ngunit dismayado ang human rights groups at mismong ang mga Rohingya na umiwas si Pope Francis, tagasulong ng refugees at mahihirap sa mundo, na kondenahin ang tinawag ng United Nations na kaso ng ethnic cleansing.

Sinabi ni Vatican spokesman Greg Burke na sineseryoso ng Papa ang payo sa kanya ng lokal na Simbahang Katoliko, na hinimok siyang maghinay-hinay at huwag banggitin ang pangalang “Rohingya” sa kanyang biyahe.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“You can criticize what’s said, what’s not said, but the pope is not going to lose moral authority on this question here,” ani Burke sa mamamahayag nitong Miyerkules.

Sa kanyang huling aktibidad sa Myanmar, nagdaos ng Misa si Pope Francis sa St. Mary’s Cathedral ng Yangon para sa kabataang Katoliko. Sinabi niya sa kanila na huwag matakot na sabihin ang kanilang saloobin.

“Do not be afraid to make a ruckus, to ask questions that make people think,” aniya sa kanila. “Make yourselves heard.”