NI: Reggee Bonoan

ANG awiting Titibo-Tibo ni Moira de la Torre ang nagwaging Best Song sa katatapos na Himig Handog 2017 na ginanap sa ASAP nitong nakaraang Linggo.

MOIRA copy

Pagkalipas ng siyam na taong paghihintay, ngayon lang napansin si Moira sa industriya ng musika.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Naiuwi niya at ng kompositor ng Titibo-Tibo na si Libertine Amistoso ang premyong isang milyong piso.

Taong 2015 nang i-launch ng Ivory Records ang album ni Moira pero tila hindi naman ito gaanong pinag-usapan. Ngayong 2017 lang umaalagwa nang husto ang singing career niya.

Kaliwa’t kanan ang naririnig naming pinupuri sa hugot songs niya, at sa katunayan ay napiling soundtrack ng teleseryeng The Better Half ang Malaya na may 8 million plus views na sa Wish 107.5 at Marco’s Theme na Saglit na 7.1M naman ang subscribers at Happily Ever After na may 245k subscribers.

Ang dalaga rin ang kumanta ng Sundo na pinatutugtog sa seryeng The Good Son na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Nash Aguas, Alexa Ilacad, McCoy de Leon, Elise Joson, Jerome Ponce, John Estrada, Mylene Dizon, Ronnie Lazaro, Liza Lorena, Eula Valdez at maraming iba pa.

Si Moira ang nag-revive ng hit song na Torete na orihinal ng Moonstar 88.

“Super-busy siya ngayon,” kuwento ng handler ni Moira na si Mac Merla. “As in wala na mapaglagyan ng inquiries sa kanya because two days lang ang off niya ng buong November and puno na din halos ang December n’ya ‘til February next year.

“Sobrang happy namin for Moira because she waited for this opportunity for nine years. She’s with Cornerstone since she was 14 years old and she’s been making music bata pa lang siya.

“I think nakasulat na siya ng more than 600 songs. Happy siya because sobrang lakas ng Titibo-Tibo entry niya sa Himig Handog, as you can see online grabe ang views and iba’t ibang parodies.

“Lakas ng engagements ni Moira lalo na sa millennials. Madami na rin lumalapit na big brands for her like Marie France, Uniqlo, Chocolate bar and a big Telecom network na ‘di ko pa puwede i-disclose kasi under negotiation pa.

“Regular na rin siya sa ASAP and she will be releasing her album by January 2018. Sobrang ganda ng album n’ya, Regg!

“Dami hugot songs kagaya ng very successful hit na Malaya. Consistent siyang number one sa Billboard Ph for Malaya and recently two songs niya ang pumasok sa Billboard Ph. 1, ang Malaya then number three ang Titibo-Tibo. Amazing, ‘no! Tuluy-tuloy lang ang Cornerstone na i-build pa ang mga talents namin both for music, movies, online and TV.”

Sa Pebrero 2018, magkakaroon ng concert si Moira kasama si Sam Milby.