Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – May dahilan upang maging tunay na merry ang Christmas ng mga manggagawa sa Caraga region makaraang dagdagan ang arawang minimum wage nila.

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-13 o Caraga ang P25 dagdag sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa, nabatid kahapon.

Sinabi ni Earl Dela Victoria, RTWPB-13 board secretary, na batay sa Wage Order No. 15, mula sa P280 ay P305 na ang arawang minimum na suweldo sa rehiyon.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ang nasabing umento ay para lamang sa mga kumikita ng minimum sa lahat ng uri sa hilaga-silangang Mindanao, ayon kay Dela Victoria.

Aniya, ipatutupad ang umento sa tatlong bahagi, P10 sa Disyembre, o sa susunod na buwan; P10 sa Pebrero 2018; at P5 sa Mayo 2018, ayon pa kay Dela Victoria.

Dagdag pa ng opisyal, inaprubahan ng board ang pagtaas sa minimum wage rate makaraang ikonsidera ang iba’t ibang bagay, gaya ng pangangailangan ng mga manggagawa, ang kakayahan ng mga employer na magbayad, at ang competitiveness ng rehiyon na naghahangad ng umento.