NI: Martin A. Sadongdong

Inilunsad kahapon ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang web platform na layuning makatulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ang Virtual Volunteer, na dinebelop ng IBM, ay augmentation force ng PRC na layuning makatulong sa mas maraming OFWs — sa crisis management man o sa pagpoproseso ng mga dokumento.

Gumagamit ito ng geo-location features sa pagsubaybay sa users ng computers o cell phones, upang makapagbigay ng maayos at napapanahong tulong sa users.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pilipinas ang unang bansa sa Asya na naglunsad ng naturang web platform.

Ayon sa PRC, layunin ng platform na makapagbigay sa OFWs, migrants, o nagbabalak na mag-migrate at sa kanilang pamilya, ng de-kalidad, wastong impormasyon, at maikonekta sila sa bawat isa.

Binubura rin ng web platform ang language barrier dahil isinasalin nito ang wika, kaya natutulungan ang migrants na makipag-ugnayan sa sinuman sa kanilang kinaroroonan.

Higit sa lahat, tampok din sa website ang support services tulad ng soup kitchens, showers, shelters, at maging medical services at hospitals. May listahan din ito ng mga institusyon na makatutulong sa OFWs para makakakuha ng legal assistance.

Ayon sa PRC, maaaring bisitahin ang site sa www.virtualvolunteer.org.