Ni: PNA

PINALALANTAD ng Biodiversity Management Bureau ang mga saksing magpapatunay sa online post ng paghuli at pagkatay sa isang pusa na musang, sa pag-uulat ng kanilang nalalaman tungkol sa insidente, at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga nagkasala.

“We’re urging people with the information to contact us,” lahad ni Wildlife Resources Division chief, Josefina de Leon, at sinabing ang naturang impormasyon ay magbibigay-daan upang makapaghain ng kaso ang kawanihan laban sa salarin.

Inihayag ni De Leon na protektado ang mga musang sa ilalim ng Republic Act No. 9147, o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagpapasalamat din ang Biodiversity Management Bureau sa TV5 host na si Raffy Tulfo na nagparating sa kanila ng tungkol sa online post.

Sa panawagan ng Biodiversity Management Bureau sa publiko ngayong buwan, hinihiling nitong matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa likod ng pagkatay at pagluto sa musang. Makikita sa larawan ang hitsura ng tao habang hawak ang musang.

Ang mga tao “who may have personal knowledge on the real identity and present residential address of the person whose picture appears herein” ay mangyaring makipag-ugnayan sa Biodiversity Management Bureau para sa mga kinakailangang impormasyon, ayon sa public notice ng kawanihan, at tiniyak na ang pagkakakilanlan ng impormante “shall be dealt with strict confidentiality”.

Binibigyang-diin ng RA 9147, na sumasaklaw sa lahat ng wildlife species sa bansa, na labag sa batas ang pagpatay ng tao sa mga ito o pagsira sa kanilang tirahan, maliban na lamang sa ilang pagkakataon.

Alinsunod sa batas, ito ay kung ang pagpatay ay bahagi ng relihiyosong ritwal ng mga tribo, kung ang naturang hayop ay may nakakahawang sakit, kung mapanganib ang naturang hayop, at kapag pinayagan ng awtoridad na gamitin ang mga ito sa pananaliksik o eksperimentong siyentipiko.