GREENSBORO, N.C. (AP) — Bagong format, parehong resulta para sa US Team.

Ratsada si Travis Wear sa nakubrang 14 puntos at 10 rebounds para sandigan ang US Team – binubuo ng mga players mula sa NBA G-League – sa 91-55 dominasyon sa Mexico nitong Linggo (Lunes sa Manila) para sa ikalawang sunod na panalo sa qualifying game ng 2019 Basketball World Cup.

Naitala ng mga bataan ni coach Jeff Van Gundy ang 13 for 24 sa three-point range para sa ikalawang magaan na panalo matapos gapiin ang Puerto Rico nitong Huwebes sa ‘home-and-away format’.

“This was a much better win today,” sambit ni guard Markel Brown.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“But in this situation, we’ll take every win however we can get it, no matter how much we win by.”

Nangungunanang koponan ang Americans, ang three-time defending Olympic champions, at naipapanalo nila ang laban sa malaking bentahe dahil sa pagkakaroon ng pinakamahuhusay na players sa NBA.

Ngunit, sa pagkakatong ito, hindi lamang talent ang kailangan ng US kundi determinasyon matapos palitang ng FIBA ang format at ang araw ng liga dahilan upang mapigilang ang NBA stars na makasama sa koponan.

“It’s really hard to put a group together that quickly unless players are selfless, and we had a bunch of selfless guys who sacrificed not only their time, but participating in the G League, to represent their country,” pahayag ni Van Gundy.

Kumana rin ng tig-14 puntos sina Xavier Munford, Brown at Jonathan Holmes para sa US.